Hayaan niyo akong magkunwaring isang dalubhasa sa wikang Pilipino. Aking ginagaya sa mga sandaling ito ang aking kamag-aral na si Binibining Victoria Que sa kanyang pagtatagalog sa isa sa kanyang mga magagandang blog. :-)
Tila ba napakasaya ko sa araw na ito! Paumanhin nga lang na hindi ko maaaring sabihin ang kabuuan ng kwento sapagkat ang ibang mga bahagi ay konpidensiyal. Konpidensiyal ito hindi dahil ito ay masama o kahiya-hiya ngunit dahil baka tuksuhin na ako ng mga makakabasa nito kapag aking inilathalata ang konpidensiyal na part. :p
Maganda ang pagsisimula ko ng araw kaya baka pati ang gitnang bahagi hanggang sa huling bahagi ay tila maganda rin. Nag-enjoy ako ng lubusan sa aming Nutrilab kahit na sobrang nahirapan ako hiwain yung carrots dahil napakatigas nito. Kitang-kita ko na ang aking kaibigan na si Abbie ay tila nag-enjoy din sa kanyang paglagay ng spices sa loob at labas ng katawan ng kaawa-awang manok. Talagang nabusog kaming lahat sa mga masasarap na niluto ng bawat grupo. Hindi nga lang ako nakakain ng marami (hahaha!) dahil humihilab ang aking tiyan simula kahapon :( Pero ang pagsakit ng aking tiyan ay hindi naging sagabal sa aking pagkatuwa sa araw na ito.
Pagkatapos ng Nutrilab, nagtungo kami ni Abbie sa LRC. Nang papunta dun, aming nakita si Jorge, PJ at may isa pa silang kasama na hindi ko namukaan dahil malayo sila ng tawagin ako ni Jorge. Sa LRC, si Abbie ay naglaro ng kanyang DS at ako nama'y nagbasa at humiram ng libro na may pamagat na "I Wish I'd Said That". Ito ay isang self-help book na makakatulong sa ating communication skills. Makaraan ang ilang minuto, naisipan na namin ni Abbie na bumaba at pumunta na sa aming silid-aralan. Nang kami'y patungo na sa hagdan, nakita namin muli sila Jorge ngunit wala na yung ikatlo nilang kasama na hindi ko namukaan. Sila'y pababa na rin sa ika-9 na palapag ng gusali.
Masaya rin ako dahil napasa ko lahat ng aking mga takda na kinakailangan ipasa at kahit papano ay kinausap ako ni Kel hahaha. Tinanong niya ako kung nabasa ko raw ba yung pinapabasa ng aming propessor. Sabi ko hindi dahil hindi ko yun mahanap sa internet. Nakakatawa talaga yung bading namin na kaklase na tila ba'y patay na patay kay Kel. Sabi ba naman niya, "Kel, ang gwapo mo." Hahaha! At pilit pa niyang kinukuhanan ng litrato at idinodrawing si Kel. Palagay ko ay nagtitimpi nalang ang aming propessor sa gulo ng estudyanteng ito. ^_^. Naglaro din ako ng Deal or No Deal sa DS ni Abbie at ang napanalunan ko lang ay $0.01. Hahaha kaawa-awa! Pero OK lang :-)
Isa pang kinatutuwa ko ay may nadagdag nanaman sa mga bibili ng aking mga binebenta. Maraming salamat sa inyo! Tinutulungan niyo talaga ako =) Maraming maraming salamat =)
anu pa ba? Sa mga segundong ito, tinatanong ako ng aking matalik na kaibigan na si Jessica kung bakit daw ba ako kinikilig dahil ang status message ko ngayon sa YM ay, "Kinikilig akooooo!". Yoon ang parte ng aking araw na hindi ko maaaring sabihin =) Pasensiya na po =)
Sa ngayon ay ito palang ang mga masasabi ko. Masaya pa rin ako kahit hindi na muling tumawag yung modeling agency na sinabing tatawagan nila ako ulit. Sana ay magtuloy-tuloy na ang aking kaligayahan. Ang buhay ay napakaikli upang sayangin ito sa pagsisisi, pagiging malungkot at emo. Sana kahit papaano ay napasaya ko kayo sa aking blog =) Paalam!
Every long lost dream led me to where you are. Others who broke my heart, they were like Northern stars pointing me on my way into your loving arms. This much I know is true that God blessed the broken road that led me straight to you. I think about the years I spent just passing through. I'd like to have the time I lost and give it back to you. But you just smile and take my hand. You've been there, you understand. It's all part of a grander plan that is coming true :)
Friday, November 7, 2008
maligayang biyernes! =)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
tagalog O_o
can you understand or you want me to translate? :-)
Post a Comment