Saturday, November 8, 2008

ang buhay sa jeep...*bow*

Ang aking mga nakaengkwentro sa jeep sa araw na ito ay mas marami kumpara sa mga nakaraan. Nagtungo ako nung umaga sa supplier ng aking mga binebentang relo upang kumuha ng mga orders. Sumakay lang kami ng aking mahal na si Mama Aida (aking ikalawang ina) ng jeep papunta't pauwi. Papunta ay wala namang ekstraordinariyong pangyayari. Pero nang pauwi ay meron.....

Una, isa nalang ang natitirang espasyo sa jeep. Eksakto nalang para sa isang tao. Sa mga sumasakay ng jeep, alam naman natin na kahit may isa pang bakanteng espasyong natitira ay magiging masikip na ito para sa uupo. Nang mga panahong iyon, ang espasyong natira ay doon sa aking kaliwa. Umusog ako pakanan upang kahit papaano'y madagdagan ang bahagi na uupuan ng huling pasahero. Sa kasamaang palad, hindi siya mgkasya sapagkat napakaliit na talaga ng espasyo. Hindi ko lubos na maisip kung bakit hindi siya magkasya dahil may nakikita pa akong espasyo sa aking kanan pero todo na rin ang aking usog. Napansin ko na ang aking magaling na katabi ay nakasideview. Naku! Nakakainis talaga ang mga sumasideview sa jeep! Wala silang konsiderasyon. Alam na nga nilang masikip, hindi pa rin sila gumagawa ng paraan para kahit papaano'y kumasya at maging komportable lahat ng nakasakay. Nakakapikon talaga! Dahil naaawa ako sa pasaherong hindi magkasya at naiinis ako sa katabi ko, sinabihan ko siya. "Miss pwede ba wag ka sumideview kasi?!" Oo na may bahid na ng katarayan. Pasensiya na.^_^

Ikalawa, may dinudukot ang aling nasa harap ko sa kanyang dibdib. Tila ba hirap na hirap siyang kunin kung anuman iyong nais niyang makuha. Nakakahiya man sabihin ngunit halos ilabas na niya ang kanyang buong dibdib dahil hindi talaga niya makuha ang bagay na kanyang minimithing makuha. Pasensiya na ngunit nakakadiri talaga. Makaraan ang ilang pagpoporsige, Nakuha na rin niya! Nakuha na niya ang baryang kanyang ibabayad sa drayber. Nang matanggap niya ang kanyang sukli, muli niya itong isinilid sa kanyang bra. >.<

Ikatlo, napaka trapik na nung pauwi. Nagkabuhol-buhol na ang mga sasakyan at halos walang umaandar. Nakikipagusap ang drayber ng naturang jeep sa traffic enforcer nang bigla ko nalang narinig ang traffic enforcer na nagsabing, "1 oras ka na jan? Wag ka naman masyadong exaggerated brad! Isang oras na pag galit ng mga pasahero mo!" Natawa lang ako sapagkat nag-english si kuya hahaha!


No comments: