Saturday, September 26, 2009

Letter I want to send him - Sept. 14'09 11:39pm

Hi *** :( Break na tayo ulit. I admit that I saw this coming nung binabalikan mo ako. But despite of that, I still chose na balikan ka...Kahit alam kong dadating ulit ang araw na toh na masasaktan ako, pinili ko pa rin na magkabalikan tayo. Mas pipiliin ko pang masaktan pero nakasama ka kahit sobrang sandali lang kesa naman yung pakawalan ko yung opportunity na makasama ka at maiparamdam syo kahit papano kung gaano kita kamahal :|

I know hindi ko dapat pagsisihan yung reason ng breakup natin ngayon. Actually, I'm thankful nga kasi nagkakaintindihan tayo about dun. Ang kinalulungkot ko lang ay yung pagsisimula na ng pinakatatakutan kong mangyari--hindi ka na magpaparamdam. Akala ko kahit itong part lang na toh hindi na sana mauulit kaso hindi pala. Talaga ngang histroy repeats itself. Haaay...sobrang lungkot na lungkot ko ngayon. Kung alam mo lang. Pero kahit papano may konting saya kasi alam kong masaya ka at nagagawa mo na ulit lahat ng gusto mo. Sayang lang kasi hindi kita kayang pasayahin. Emo na kung emo pero ngayon winiwish ko na sana mamatay na ako ngayon kasi wala na sakin yung taong pinakamamahal ko. Sana lagi kang masaya.....

No comments: