Saturday, September 26, 2009

Letter I want to send him - Oct. 23'08 6:30pm

Hi ***!ü Kamusta na? Buhay ka pa ba?haha Kamusta naman mga bago mo...bago mong friends?ü Haaay... Alam mo ba ako eto nagmomove-on na. Thank you na rin siguro sa hindi pagpaparamdam. Hindi na kita iniisip at inaalala 24/7. Hindi na rin ako nalulungkot kapag hindi ka nagtetext and kapag hindi mo ako kinakausap ng maayos sa YM. Nasanay na rin siguro ako. Thanks ah! Hmm...ano pa? Wala pa akong bago at hindi ako naghahanap. May nagkakagusto daw sa akin sa school kaso ayoko pa talaga. Kahit pogi pa siya at mabait, wala talaga siya nung something na nakita ko sayo. Atsaka...ayoko lang talaga. Hindi pa ako ready at hindi lang talaga ako magkagusto sa iba. I don't see my future with somebody else but you. Pero siguro in time matatanggap ko na rin na hindi na yun mangyayari. In time, matututunan kong hindi na iexpect and asahan yun. Masaya naman ako ngayon.ü Pero syempre mas masaya kung nagpaparamdam ka diba?! :p Oo aaminin ko na may mga times na namimiss ko yung relationship natin. Hindi man kita iniisip palagi pero I know in my heart na namimiss kita and na mahal na mahal pa kita. It's just that natututunan ko na to let go. Praise God for that :)

Love,

Rejoice

No comments: